Pamilya ng tatlong kalalakihan na hanggang ngayon ay pinaghahanap at patuloy pa ring umaasa na makikita ng kanilang kamag-anak.

LEBAK-         PATULOY parin ang paghahanap sa tatlong nawawalang lalaki matapos silang huling mamataan noong Abril 22 taong kasalukuyang sa Municipal Plaza ng Kalamansig, Sultan Kudarat. Kinalala ang mga nawawalang lalaki na sina Benzar Kamid, 23 anyos, Glenn Mamalac 45 anyos, at Esrael Tandiong, 36 anyos na kapwa residente ng Barurao 1, Lebak, Sultan Kudarat.  Ayon sa panayam ng BNFM Lebak kay Esrafil Tandiong, kapatid ng isa sa mga nawalang lalaki, nagpaalam raw ang kaniyang kapatid sa kanya na pupunta ng Kalamansig, Sultan Kudarat, ngunit wala itong sinabing dahilan. Dagdag pa niya, noong araw din yun bandang alas 5 ng  hapon tumawag sa kanya ang kapatid upang humingi ng ID picture nito.  At mula noon hanggang sa kasalukuyan ay walang bakas ng anino ng kapatid niya at ang dalawa pang kasama nito. Sa huli umaasa parin ang pamilya ng mga biktima na makitang buhay ang tatlo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *