National

Pamilya ni Jullebee Ranara, humingi ng privacy sa pagsisimula ng burol ng OFW

Umapela ng privacy ang pamilya ng napatay na si Jullebee Ranara sa pagsisimula ng burol ng OFW sa kanyang tahanan sa Las Piñas City.

Mahigpit na binabantayan ang lugar ng burol ni Ranara, kasama ang mga pulis, traffic enforcers at mga tauhan ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.

Matatandaang dumating sa Pilipinas noong Biyernes ng gabi ang labi ni Ranara mula sa Kuwait.

Bago ang burol, nakipagpulong si OWWA administrator Arnell Ignacio sa pamilya ni Ranara noong Sabado ng gabi.

Nagsagawa na ng autopsy ang National Bureau of Investigation sa labi ni Ranara upang matukoy ang mga pangyayari na humantong sa kanyang pagkamatay tulad ng hiniling ng kanyang pamilya.

Una rito, ang pagkamatay ni Ranara ay nagbunsod ng mga panawagan para sa deployment ban ng mga manggagawang Pilipino sa Kuwait at pagrepaso sa mga bilateral agreements sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.//CA

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

9 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

9 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

9 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

9 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

9 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

9 hours ago