Pamilyang namatay sa sunog sa Albay – natuklasang tadtad ng saksak

LEGAZPI CITY – Hawak na ng kaanak ng mga biktima ng sunog sa Brgy. Kilicao, Daraga, Albay ang autopsy report kaugnay ng insidente.

Matatandaan na una nang sinabi ng barangay kagawad na posibleng mayroong foul play sa insidente dahil sa natagpuang mga dugo sa inidoro at sa lupa sa lugar.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay “Merly”, ina ng isa sa mga biktima at lola ng mga menor de edad na nadamay, sinabi nito na batay sa hawak nilang autopsy report, tadtad ng mga saksak ang kanyang anak at mga apo, habang ang ama naman ay may isang tama lang sa leeg.

Naniniwala umano siya na unang pinatay ng ama ang mag-iina bago ang kanyang sarili saka sinunog ang bahay.

Aniya, walang trabaho ang asawa ng kanyang anak at laging umiinom.

Bago ang insidente, makailang ulit din uamanong pumunta sakanya ang kanyang anak at sinasabi na lagi siyang sinasaktan ng kanyang asawa.

Maliban dito, pinalayas din umano ng asawa ang katorse anyos na panganay na anak na nakaligtas sa insidente na minsan na ring hinabol ng itak at pinagbantaang papatayin kapag bumalik ito sa bahay.

Samantala, ayon kay Merly, sa ngayon ang bangkay ng asawa ng kanyang anak ay hindi pa nakakabaong dahil pinaprayoridad niya ang kanyang anak at mga apo.

Hindi rin siya pumayag na isama ito sa burol ng mag-iina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *