Pamilyang Pilipino na nakaranas ng gutom sa bansa, nabawasan

Bahagyang nabawasan ang bilang ng pamilyang Pilipino na nakakaranas ng gutom maliban sa Metro Manila na pangunahing apektado ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Base sa survey na inilabas ng Social Weather Stations, nakapagtala ang Pilipinas ng 10.4% noong Hunyo at naging 9.8% na lang ito noong 3rd quarter ng 2023.

Bagamat wala pang isang porsyento ang binaba ng bilang ng mga Filipino household na nagugutom magandang sinyales pa rin ito lalo na kung ikukumpara sa nagdaang taon kung saan pumalo sa 21.1% ang nagugutom sa bansa.

Ngayong 2023 nasa 27.4 milyon ang bilang ng Filipino household at 2.7 milyon dito ang nakakaranas ng gutom.

Habang ang ibang probinsiya ay bumaba ang bilang ng mga nagugutom dito sa Metro manila bahagyang tumaas ang porsyento kung saan pumalo sa 17.3% na dati ay nasa 15.7% lang.

Sa 3.7 milyon household sa Metro Manila, lumalabas na 645,000 sa kanila ang nagugutom.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *