Pamimigay ng P1,000 social pension sa mga senior citizens sa Naga City posibleng ibalik sa quarterly distribution

NAGA CITY – May posibilidad na ibalik sa quarterly ang magiging distribution na social pension sa mga senior citizens sa Naga City, mula sa anim na buwan dahil sa magiging isang libong piso na ito kada buwan, mula Enero 2024.

Hinihintay na lamang nina City Social Welfare and Development Officer, Chief Annabelle Vargas ang opisyal na memorandum order galing sa national office ng Department of Social Welfare and Development, pati na rin ang pag-download ng pondo sa Lokal na Gobyerno.

Sa pagberipika ng Brigada News FM Naga, napag-alaman mula kay Vargas na may ganitong ideya ang DSWD na ang layunin ay matanggap kaagad ng mga benipisyaryong matatanda ang kanilang financial support para na rin sa kanilang mga gamot, vitamins at iba pang personal na pangangailangan.

Nabanggit din ni Jimmy Reblando, Director ng Senior Citizens Affairs Office na may mahigit 22 libong mga naitalang senior citizens ngunit hindi lahat ng mga ito ay benipisyaryo ng social pension.   

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *