Pamimili at pagbebenta ng boto, dumi sa demokrasya ayon sa Comelec

CAMARINES NORTE – Maituturing umanong “dumi” sa demokrasya ang talamak na pamimili at pagbebenta ng boto sa tuwing halalan.

Ayon ito mismo ay Provincial Election Supervisor Atty. Francis Nieves sa naging panayam ng Brigada News FM Daet.

Sabi ni Nieves kahit kailan ay hindi naging tama ang pamimili at pagbebenta ng boto kaya naman naglunsad umano ng Committee on Kontra Bigay ang Commission on Elections upang kahit hindi man tuluyang mawala sa ngayon ang vote buying and selling ay mabawasan man lang.

Aniya, hindi dapat binabalebalewala ang babala ng Comelec dahil mayroon talagang “intent” ang komisyon na manghuli sa mga nagi- engage sa vote buying and selling.

Umaasa ang opisyal na itong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na gaganapin ngayong buwan ang maging simula para makapaghalal ng matinong lider ang mga botante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *