Local News

Pampanga, pangalawa sa mga probinsya sa Central Luzon na may mataas na kaso ng teenage pregnancy

Pangalawa ang lalawigan ng Pampanga sa mga probinsya sa region 3 na may mataas na kaso ng teenage pregnancy.

Sa datos na ibinahagi ng Population Commission o POPCOM, nakapagtala ang Pampanga ng 4,059 cases, ng teenage pregnancy sa taong 2021.

Habang nangunguna naman ang lalawigan ng Bulacan na may 4, 290 cases.

Pangatlo ang Nueva Ecija na may 2, 194; Tarlac na may 1, 555; Bataan na may 1, 203 Zambales na may 1, 102 at Olongapo na may 201.

Panghuli naman ang Aurora na may 381 cases.

Sa kabuuan bumaba ang kaso ng teenage pregnancy sa buong Central Luzon sa taong 2021 na may 15, 504 kumpara noong 2020 na may 18, 722.

Sa kabila nito tumaas naman ang bilang ng mga nabubuntis na below 15 years old.

Sa buong Pilipinas, pangalawa pa rin ang Gitnang Luzon sa may pinaka maraming kaso, kung saan nangunguna ang CALABARZON, at pangatlo ang National Capital Region.

BNFM Pampanga

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

23 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

23 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

23 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

23 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

23 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

23 hours ago