Pampanga representative Gonzales kumalas na sa PDP-Laban

Kumalas na si Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr. bilang miyembro at opisyal ng PDP-Laban, kung saan chairperson si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kasunod ng kanyang pahayag na binabahiran ng masamang imahe ang integridad ng institusyon.

Sa nangyaring sesyon kahapon naungkat sa plenaryo ang pagbabanta sa buhay ni Rep. France Castro at na dungisan din umano ang imahe ng Kamara.

Inilatag ni Senior Deputy Speaker Rep. Dong Gonzales ang ilang pangit na pagsasalarawan sa Kamara sa nasabing panayam.

Giniit naman ni speaker Martin Romualdez na trabaho lang walang personalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *