Pamunuan ng bus na nasangkot sa aksidente sa Bangal sasagutin ang gastusin ng mga biktima

Sasagutin ng pamunuan ng Arayat Express ang lahat ng gastusin ng mga biktima at namatayan sa nangyaring aksidente nakalipas na Myerkules ng gabi sa Bangal, Dinalupihan, Bataan.

Ito ang siniguro ng Ops. Manager ng pamunuan na si Peter Parungao sa panayam ng BNFM.

Nitong nakalipas Huwebes ay unang nakausap umano ng pamunuan ang ibang biktima sa Dinalupihan habang nitong Byernes ay nagtungo naman sa lungsod Olongapo si Parungao para kausapin ang iba pa.

Matatandaan, gabi ng Myerkules nang mangyari ang malagim na aksidente na kinasangkutan ng isang Arayat bus kung saan nadisgrasya nito ang isang jeep at nadamay ang apat na iba pang sasakyan.

Sa huling impormasyon na nakalap ng BNFM sa Dinalupihan MPS, umakyat na sa apat ang bilang ng nasawi habang mahigit dalawampu naman ang sugatan.

Samantala, nasa kustodiya ng Dinalupihan MPS ang driver ng bus.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *