Panawagan ng Netizen kaugnay sa mga nagkalat na basura sa may bahagi ng breakwater sa bayan ng Jose Panganiban inaksyunan ng LGU

CAMARINES NORTE – Agad na tumugon at inaksyunan ng LGU Jose Panganiban ang panawagan ng isang Netizen matapos na ipost nito sa kanyang Facebook account ang mga plastic na nakita nyang nakakalat sa sa ilang bahagi ng breakwater ng Bayan ng Jose Panganiban

Sa nakalap na impormasyon ng Brigada News FM Daet sa Public Information office ng naturang LGU, ang mga larawan na ipinost sa social media ay mula sa mga paninda ng mga rolling store sa nasabing lugar.

Dahil dito, agad na nagpalabas ng isang “Stern Warning” si Mayor Ariel Non upang paalalahanan ang mga rolling store owners at kanilang mga staff na maging responsable sa pagpapaalala sa kanilang mga customers tungkol sa tamang pagtatapon ng basura.

Babala ng alkalde, Kung sila ay magpapabaya ay maaaring makansela ang kanilang permit na makapag-tinda sa nasabing lugar.

Kasabay nito ay inatasan  rin  ang PNP Jose Panganiban at Task Force Kalinisan na masusing bantayan ang mga indibidwal na lalabag sa tamang pagtatapon ng basura.

Paliwanag ni Mayor Non, Kailangang maipaunawa ang tamang disiplina sa mga taga Jose Panganiban upang maiwasang humantong pa sa pagpapataw ng parusa.

Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat si Mayor Non sa mga netizen na nagiging katuwang ng Pamahalaang Lokal sa pagbabantay para sa pagpapanatili ng kalinisan sa Jose Panganiban

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *