Panawagang total ban sa fireworks – nakakuha ng dagdag na suporta

Nakatanggap na ng karagdagang suporta ang panawagan ni Interior Sec. Benhur Abalos na magpatupad ng total ban sa mga paputok sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng grupong BAN Toxics na susuporta sila para sa mas ligtas na HOliday season sa bansa.

Anila – dapat ay i-practice ang ‘safety first’ para sa mga kabataan, komunidad, at lalong-lalo na sa kalikasan.

Sabi ng grupo, dapat daw ay ligtas ang ating kapaligiran mula sa iba’t ibang mga pollutants.

Kung maaalala – mayroon nang mga LGUs na nagpapatupad ng ban sa fireworks bago pa man ang panawagan ni Abalos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *