Pang-aabuso sa mga kababaihan ngayong “new normal” namonitor sa Albay

LEGAZPI-Inihayag ng Violence Against Women and their Children (VAWC) Department ng Albay Police Provincial Office na bahagyang tumaas ang bilang ng mga kababaehang inaabuso ngayong new normal.

Sa pagtala ng tanggapan, nasa 132 ang rape cases noong 2020 at 134 noong 2021.

Samantalang sa record, lumalalabas na pinakamataas rito ang lungsod ng Legazpi na pumalo sa 15.

Sa edad naman, karamihan sa mga nagiging biktima ay ang mga nasa vulnerable age na edad 11-20 anyos.

Batay sa mga imbestigasyon, lumalabas na karaniwang nangyayari ang krimen sa inuman ng mga menor de edad at kaibigan ang suspek.

Isa pa ang kawalan ng sariling kwarto ang biktimang babae o nasa pangangalaga ng ama, tiyuhin o iba pang kamag-anak na lalaki.

Sa ngayon, pinapalakas naman ng PNP ang kanilang kampanya kontra sa nasabing kriminalidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *