Pang. Marcos inaprubahan na ang 10 year Maritime Industry Development Plan

Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 10-year Maritime Industry Development Plan ng Pilipinas.

Ayon sa Pangulo, ito ang magsisilbing gabay para sa pag-unlad ng maritime industry ng bansa.

Bahagi ito ng road map at kasama na rin ng modernisasyon at pagpapalaganap ng shipbuilding at repair industry, paghasa sa kakahayanan ng maritime work force at pagpapa-igting sa maritime transport safety at security.

Dapat din na nagtutugma ang pulisiya ng mga ahensya ng gobyerno para sa implementasyon ng mga naturang alituntunin.

Nagpasalamat naman ang Maritime Industry Authority na naipasa na ang MIDP na layung magamit ang buong potensyal ng industriya para makatulong sa pag-unlad ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *