Pangulong Duterte bumisita sa lamay ng yumaong si Susan Roces

Bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa huling gabi ng burol ng yumaong Queen of Philippine Movies, ang aktres na si Susan Roces.

Pumunta si Duterte sa Heritage Park kasama si Senator Bong Go at sinalubong siya ng anak ni Roces na si Senator Grace Poe.

Noong nakaraang gabi, bumisita rin sa burol ni Roces si President-elect Ferdinand Marcos Jr. at ang kanyang asawang si Liza.

Nakatakdang ilibing ang mga labi ni Roces sa tabi ng kanyang asawa at kapwa film icon na si Fernando Poe, Jr. sa Manila North Cemetery ngayong araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *