National

Pangulong Duterte, nanindigan sa face shield protocol

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na ang maliit na abala na dulot ng pagsusuot ng face shield ay isa umano sa dapat ng kasanayan, dahil ito ay nakakatulong sa pagdepensa laban sa COVID-19.

Sa kaniyang taped address, sinabi ng pangulo na mas mainam na umano na maabala kaysa dapuan o di kaya’y mamatay dahil sa sakit lalo ngayon na mayroong Delta variant na pati bata ay nahahawa na.

Matatandaan na hinihikayat ni Manila Mayor Isko Moreno ang gobyerno na itigil na ang pagoobliga na magsuot ng faceshield, at ituon na lamang ang atensyon sa pagbili ng mga gamot para sa pasyente ng COVID-19 gaya ng remdesivir at tocilizumab.

Sinagot ito ni vaccine czar and National Task Force Against COVID-19 Carlito Galvez, Jr. sa parehong taped address at sinabing nagkukulang na ang suplay ng mga nasabing gamot sa Pilipinas dahil sa kakulangan rin ng global suplay.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

13 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

13 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

13 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

13 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

13 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

13 hours ago