Pangulong Duterte patuloy na igigiit ang karapatan ng bansa sa WPS – Go

Tiniyak ni Senador Christopher Bong Go na patuloy na igigiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karapatan ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Sa ambush interview matapos ang pagbisita sa mga nabiktima ng sunog sa Maharlika sa Taguig City, sinabi ni Go na ang foreign policy ng Pangulo ay ‘friends to all enemies to none’.

Subalit kapag karapatan na umano ng Pilipinas ang pinag-uusapan ay tiyak na ipaglalaban ito ng Pangulo.

Ang pahayag ng senador ay kasunod ng ‘close distance manuevering’ incident sa West Philippine Sea at pag-giit ng China na sakop nila ang naturang lugar.

Inihayag naman ni Go na hangga’t maaari ay idaan sa diplomatikong pag-uusap ang isyu tungkol sa agawan sa teritoryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *