Pangulong Duterte pinatitiyak ang malinis at mapayapang halalan sa Mayo

Hindi papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na guluhin ng mga terorista at anu mang grupo ang gaganaping May 2022 Election.

Sa isang panayam sinabi ng Pangulo na hindi niya hahayaan mamayagpag ang terorism at intimidation sa darating na halalan.

Nais umano ng pangulo na magkaroon ng malinis at mapayapang eleksiyon sa Mayo.

Kinumpirma ni Pangulong Duterte na nakausap na niya ang military pati na si Defense Sec. Delfin Lorenzana at binigyan nito ito ng direktiba na bantayan ang mga insidente ng takutan, patayan, at puwersahan sa pagpili ng mga ibobotong kandito sa darating halalan.

“I will never, never, never condone election-related violence. Hindi talaga ako papayag na terrorism or intimidation. This is for those who believe in me and for those who do not. Do not do it kasi I will see to it na itong eleksiyon na ito malinis at walang dayaan, walang patayan sa panahon ko,” pahayag nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *