Pangulong Duterte, tinanggap ang imbitasyon ni Biden para sa Democracy Summit

Lalahok si Pangulong Rodrigo Duterte sa Summit for Democracy na inorganisa ng Estados Unidos.

Mababasa sa pahayag ng Office of Presidential Protocol na tinanggap ng Pangulo ang imbitasyon ni US President Joe Biden Jr. na magpartisipa sa summit na gaganapin mula December 9-10.

Ipinunto rin sa pahayag na inimbitahan ni Biden ang heads of states, government leaders, at representatives mula sa business at non-government sectors sa virtual summit.

Umaasa naman ang Malacañang na magsisilbi ang US bilang host ng Summit of Democracy na may “humility” at “spirit of mutual learning.”

Sinabi rin sa pahayag na nais ni Biden na bumuo ng payapang hinaharap na may respeto sa “rights and aspirations” ng lahat ng tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *