Pangulong Marcos, bubuhayin ulit ang Uniteam para sa 2025 election

Alyansa para sa Bagong Pilipinas.

Ito ang tawag ngayon sa pagsasanib pwersa ng Partido Federal ng Pilipinas o PFP at ng Lakas-Christian Muslim Democrats o LAKAS-CMD, matapos ang ginanap na alliance signing kaninang umaga, kung saan panauhing pandangal si Pangulong Bongbong Marcos.

Sa kanyang talumpati, binigyang diin ng Pangulo na sa nakalipas na dalawang taon nilang panunungkulan, maraming nakitang pagbabago at natulungang mga Pilipino dahil sa pagkakaisa.

Kaya naman balak ni Pangulong Marcos na buuin ulit ang uniteam para sa 2025 national election, sa pamamagitan ng pakikipag alyansa sa iba pang political parties.

Nakita na anya nila ang magandang bunga ng pagkakaisa sa pagseserbisyo sa taumbayan, kaya naman ipagpapatuloy nila ito tungo sa Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *