Pangulong Marcos, muling inimbitahan ang publiko sa Palasyo

Muling inanyayahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang publiko na bumisita ngayong kapaskuhan sa Palasyo.

Sa video message ng Pangulo ngayong umaga, inimbitahan nito ang pamilyang Pilipino sa open house ng Palasyo habang merong simbang gabi.

Meron rin anyang libreng pagkain tulad ng bibingka at puto bumbong.

Hinikayat din ni Marcos na isama ang mga bata sa pamamasyal sa Palasyo.

Samantala magtatagal ang simbang gabi sa MalacaƱang hanggang December 24.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *