Pangulong Marcos, naghamon na buksan ang kaso sa unpaid estate taxes ng kanyang pamilya

Sinagot ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isyu na bumabalot sa unpaid estate taxes ng kanyang pamilya na umano’y nagkakahalaga sa P203 billion.

Paghamon ni Marcos, buksan ang naturang kaso at pagdebatehan.

Binigyang diin din ng pangulo, na kailanman hindi pinahintulutan ang kanyang pamilya na maibigay ang kanilang panig hinggil sa naturang isyu.

Paliwanag kasi ng punong ehekutibo, na sa panahong lumabas ang kaso, nasa United States umano sila.

Ngayon na nandito na silang lahat sa Pilipinas, marapat lang umano na buksan ang kaso, mapagdebetehan, upang magkaroon na ng tuldok.

Matatandaan na noong 1997, nagdesisyon ang Supreme Court with finality na may utang ang pamilya Marcos sa gobyerno na nagkakahalaga ng P23 billion na estate taxes, kung saan ang naturang tax liability ay lomobo na ngayon sa P203 billion dahil sa mga penalidad at surcharges.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *