Pangulong Marcos, pimamadali ang pagpasa ng panukalang 2024 national budget

Pinamamadali ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang pagpasa ng panukalang higit P5.7 trillion national budget para sa 2024.

Ito’y matapos sinertipikahang ‘urgent’ ni Pangulong Marcos ang House Bill 8980 o ang General Appropriations Bill.

Ibig sabihin, maari nang ipasa ng Kamara ang panukalang 2024 national budget sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa loob lamang ng isang araw.

Ayon kay Pangulong Marcos, ito’y para mapabilis ang pagpopondo sa mga programa, proyekto, at aktibidad ng gobyerno; at matiyak ang kahandaan ng pamahalaan upang epektibong magampanan ang mandato nito alinsunod sa Konstitusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *