Panibagong 13 na miyembro ng NPA, sumuko sa Sultan Kudarat

KORONADAL CITY — DAGDAG na 13 mga rebeldeng New People’s Army o NPA ang sumuko sa gobyerno mula sa bayan ng Kalamansig, Sultan Kudarat.

Ayon sa isa sa mga sumuko na kinilala lamang sa pangalang Alyas Benny, patuloy umano ang paghina ng puwersa ng grupo ng NPA dahil maraming miyembro na ang nagbalik-loob sa gobyerno.
Si Ka Benny ang mass organizer ng Sub-Regional Command (SRC) – Daguma sa ilalim ng Far South Mindanao Region mula pa noong 2015.

Dala ng mga sumuko ang anim na baril at mga war materials.

Ayon naman kay Col. Eduardo Gubat, commanding officer ng 603rd Infantry Brigade ng Philippine Army na malaking dagok sa organisasyon ng NPA sa Sultan Kudarat ang pagsuko ng mga rebelde.

Una rito, 21 mga rebeldeng NPA din ang sumuko sa mga otoridad sa bayan ng Lebak ng nabanggit na probinsiya noong nakaraang linggo.

Photo Credit to Infantry Division – Kampilan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *