Panibagong bagyo pumasok na sa PAR, pinangalanan itong Kiko

BICOL—Hindi pa man nakakalabas sa landmass ng bansa ang Bagyong Jolina ay isa na namang bagyo ang nakasunod dito.

Ang bagyong may international name na Chanthu ay pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kaninang hapon.

Pinangalanan itong Kiko at base sa pinakahuling update ng Pagasa, huli itong namataan sa layong 1,300 km silangan ng Central Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95km/hr at pagbugsong 115 km/hr at patuloy ngayong minomonitor ng Pagasa.

Mamayang alas 11:00 ng gabi ay inaasahang maglalabas na ang weather bureau ng bulletin number 1 hinggil sa panibagong sama ng panahon.#

#KikoPH

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *