Panibagong batch ng SINOVAC COVID- 19 vaccine dumating sa lalawigan ng Camarines Norte kahapon

Dumating sa lalawigan ng Camarines Norte kahapon ang panibagong batch ng Sinovac COVID- 19 vaccine na dinala sa storage facility ng Camarines Norte Provincial Hospital.

Ito ay matapos maantala dahil sa bagyong Bising na nakaapekto sa kabikulan nitong mga nagdaang araw.

Ayon sa Department of Health (DOH) nasa 2, 160 vials ang dumating sa lalawigan na nakalaan sa mga Rural Health Units (RHUs) at vaccination centers na natapos na at nakapasa sa simulation exercise (SIMEX).

Nasa 720 ang first dose at 1, 440 sa second dose ayon naman kay Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco.

Inaasahang may mga darating pang bakuna at magtutuloy tuloy ito simula ngayong Abril.

Gayunman nakadepende pa rin sa supply sa world market kung magkakaroon ng sapat na bakuna.

Una nang sinabi ni Dr. Francisco na nais nilang mapabilis ang pagbabakuna at maabot ang target na 70 % ng eligible population na mabakunahan para sa tinatawag na herd immunity.

Lalo na ngayong patuloy ang pagtaas ng COVID- 19 hindi lamang sa lalawigan ng Camarines Norte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *