Panibagong bidding para sa 2025 automated elections, hirit ng Smartmatic

Humirit ang Smartmatic ng panibagong public bidding sa automated elections para sa national at local elections sa susunod na taon.

Ayon kay Smartmatic spokesman Christian Robert Lim, makatwirang ulitin ang bidding process matapos ideklara ng korte suprema na may grave abuse of discretion ang Commission on Elections o COMELEC sa pagdiskwalipika sa kanilang kumpanya.

Dagdag pa ni Lim, patunay ang desisyon ng kataas taasang hukuman na hindi patas ang diskwalipikasyon ng poll body sa Smartmatic.

Aniya, may sapat pa namang panahon para makapagsagawa ng bidding process ang COMELEC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *