Panibagong mga trabaho mabubuksan sa pagdagdag ng paaralan sa Naga City

NAGA CITY –Hindi lang edukasyon o karunungan para sa mga bata ang mabubuksan kundi employment pa sakaling maitayo na ang Salunggigi Elementary School at ang National High School sa Barangay Cararayan, Naga City na kung saan ginawa na ang ground breaking ceremony noong nakaraang Biyernes na dinaluhan ng mga City Officials at maging sa Kagawaran ng Edukasyon.

Sa kanyang pagsasalita, sinabi ni Dr. Susan Collano, ang School Division Superintendent ng Division of City School na ang dalawang paaralang ito ay magiging daan din sa pagkakaroon ng mga bagong kasamahan nila sa edukasyon, dahil pareho itong magkakaroon ng mga regular teachers, non-teaching staff at mga school heads.

Ipinagmalaki niya sa mga kasamahang DepEd officials na pareho itong two storey building, ang elementary school ay may walong classroom at ang national high school naman ay may anim na classrooms, na napakalaking kaluwagan sa mga magulang dahil sa nasa lugar nila ang paaralan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *