Panibagong round ng pamamahagi ng fuel subsidy para sa mga PUVs, inaasahang ire-release ngayong linggo

Tutulungan ng pamahalaan ang mga public transport drivers at operators na makatugon sa sumisirit na presyo ng gasolina at diesel sa pamamagitan ng one-time fuel assistance.

Ayon kay Budget Secretary Amenah F. Pangandaman, nakapagsumite na ang Department of Transportation (DOTr) ng isang joint memorandum circular (JMC) para sa isa pang round ng fuel subsidies para sa public utility vehicles (PUVs).

Mababatid na sinabi ng DBM na ipamimigay lamang ang naturang subsidiya sa sandaling maipasa na ang JMC na naglalaman ng mga alituntunin para sa programa.

Paliwanag ni Pangandaman, may mga pending pang dokumento ang DOTr, pero tiniyak ng ahensya na ang budget sa fuel subsidy ay ilalabas na ngayong linggo.

Kung maaalala, na-delay ang pamamahagi ng subsidiya noong nakaraang buwan dahil sa requirements ng bagong JMC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *