Panibagong tigil-pasada – ikakasa ng MANIBELA dahil sa umano’y talamak na ‘lagayan’ sa LTFRB

Isiniwalat ng isang dating opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ‘di umano’y katiwalian sa tanggapan.

Sa isang pulong balitaan – inisa-isa ni Jeffrey Tumbado, dating executive assistant ni LTFRB chair Teofilo Guadiz ang ‘di umano’y mga iligal na gawain sa opisina.

Kabilang na raw rito ang pagbabayad ng tiwaling pagbabayad ng milyun-milyong halaga ng pera ng mga operators para mabigyan ng mga special permits.

Dahil dito – inanunsyo ni MANIBELA national president Mar Valbuena ang pagkakasa nilang muli ng nationwide tigil-pasada simula sa Lunes, October 16.

Ayon kay Valbuena, itatambak nila ang kanilang mga public utility vehicles and jeepneys sa mga tanggapan ng LTFRB, DOTr at sa Malacañang.

Ito’y bilang bahagi raw ng kanilang protesta sa nabunyag na katiwalian, at panwagang magbitiw na sa puwesto sina Guadiz, at Transportation Sec. Jaime Bautista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *