Paninigarilyo, pangunahing sanhi ng sunog – BFP

Ibinunyag ng Bureau of Fire Protection na ang paninigarilyo ang nangungunang sanhi ng mga insidente ng sunog sa bansa ngayong taon.

Batay sa datos ng BFP, umabot sa isandaan at siyamnapung insidente ng sunog ang naitala mula Enero 1 hanggang Marso 1 dulot ng mga sindi ng sigarilyo.

Nasa mahigit tatlonglibong insidente naman ng sunog ang naiulat mula Enero 1 hanggang Marso 1, o mas mataas ng 5.1% kumpara sa naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Samantala, animnapu’t siyam na tao ang namatay at nasa mahigit dalawangdaan naman ang nasugatan, na mas mataas din kumpara sa 2023 record.

Karamihan naman sa mga insidente ng sunog ay naganap sa mga residential areas.

Kaugnay nito, sinabi ni BFP spokesperson Fire Superintendent Annalee Carbajal-Atienza, na patuloy ang pagbili ng kawanihan ng mga bagong kagamitan at pagre-recruit ng mga karagdagang tauhan upang mapabuti ang pag iwas at pagtugon sa sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *