Paninira, walang puwang sa Bagong Pilipinas – PBBM

Inisa-isa ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga katangiang dapat taglayin ng isang makabagong Pilipino na isinusulong sa Bagong Pilipinas.

Sa pinaka huling vlog ng Pangulo, sinabi nitong kabilang sa mga katangiang ito ang pagkakaroon ng disiplina, mahusay at magaling sa kanya-kanyang larangan at may pagmamahal sa bayan.

Binigyang diin nito na sa Bagong Pilipinas, walang puwang ang paninira at paghahatakan pababa, dahil mas kailangan anyang unahin ang ating bansa.

Ayon pa sa Presidente, nakasalalay ang tagumpay ng panawagan para sa Bagong Pilipinas sa pagkakaisa ng bawat mamamayan.

Sa huli hinimok nito ang lahat hindi lang mga taga gobyerno na magbago na, sapagkat wala raw Bagong Pilipinas kung walang bagong Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *