‘Pantomina sa Tinampo’ nasungkit ang ‘Top 3 Best Cultural Festival Award’ ng ATOP-DOT Pearl Awards 2023

Nakuha ng Pantomina Sa Tinampo ng lalawigan ng Sorsogon ang Top 3 Best Cultural Festival Award sa ATOP-DOT Pearl Awards 2023.   

Ang Pantomina Sa Tinampo ay tradisyonal na “Dance of Love and Courtship” na tanyag sa lalawigan kasama ng innovative street dance na nilalahukan ng lahat ng sektor ng lipunan. 

Ang awarding ceremony ay nakatakda sa ika-5 ng Oktubre sa isla ng Boracay.

Ang ATOP-DOT Pearl Awards ay isang taunang parangal na isinasagawa ng Association of Tourism Officers of the Philippines at ng Department of Tourism upang bigyang pagkilala ang mga  local government units sa kanilang hindi matatawarang trabaho sa industriya ng turismo sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kani-kanilang mayamang kultura at kasaysayan.

Mababatid na bukod sa Pantomina sa Tinampo nakakuha rin ng puwesto sa Top 3 Best Brochure For Tourisms Promotions Award ang brochure na ‘Gayon Ciudad Gayon Sorsogon.’

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *