Panukalang batas na nagbibigay ng paid “menstrual leave” sa Europa , nakakuha ng suporta sa mga mambabatas ng Spain

Nakakuha ng suporta sa mga mambabatas ng Spain ang panukalang batas na nagbibigay ng “paid menstrual leave” sa mga kababaihan sa Europa. Ito ang kauna-unahang bansa sa Europe na nagsulong ng naturang batas.

Layon nito na magbigay ng karapatan sa mga manggagawa ng mas maraming oras ng pahinga hangga’t kailangan nila.

Pumasa na sa unang pagbasa ang panukala na may 190 na botong pabor, 154 ang against o hindi pabor at limang abstention.

Ang menstrual leave ay kasalukuyang ipinatutupad sa ilang bansa kabilang sa kanila ang Japan, Indonesia at Zambia.

Ang inaprubahang panukala ay iaakyat sa Senado, at kung babaguhin, babalik sa mababang kapulungan para sa pagsasagawa ng panibagong botohan bago maging batas.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *