Panukalang Cha-Cha, hindi maisasalang sa plenaryo sa Senado ngayong linggo

Kinumpirma ni Senate Subcommittee on Constitutional Ammendments, Chairperson, Senador Sonny Angara na hindi pa tapos ang kanilang committee hearing para sa economic provision ng konstitusyon.

Kaugnay nito, hindi pa maisasalang sa plenaryo ngayong linggo ang pagtalakay sa charter change (Cha Cha).

Ito ay sa kabila ng pahayag ng mga kongresista na aaprubahan na nila sa kanilang final reading ang kanilang bersyon ng Resolution of Both Houses 7 ngayong linggo.

Maalala, ayon sa mungkahi ni Senate President Migz Zubiri sa komite, magandang makapagsagawa muna rin ng pagdinig sa ilang siyudad ng Visayas at Mindanao para rito.

Maliban pa roon, tiniyak din ni Angara na magkakaroon pa ng botohan ang mga senador tungkol dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *