Panukalang dagdag-sahod, didinggin na sa Kamara

Aarangkada na sa susunod na linggo ang pagdinig ng House Committee on Labor and Employment ukol sa mga panukala na nagsusulong ng umento sa sahod.

Sa pulong balitaan sa Kamara, sinabi ni Marikina City Representative Stella Quimbo na babalansehin nila nang mabuti ang epekto ng legislated wage hike sa panig ng mga manggagawa at negosyo.

Binigyang-diin ni Quimbo na kung ipatutupad ang legislated wage hike ng Senado na nagkakahalaga ng isandaang piso across-the-board ay hindi magiging pantay ang epekto sa kada rehiyon.

Punto ng kongresista, kung sa Metro Manila ng implementasyon ay ay kulang ang halaga samantalang sa probinsya tulad ng Tawi-Tawi ay inaasahang mabigat na pasanin ito sa maliliit na negosyo.

Idinagdag pa ni Quimbo na ang taas-sahod ay mangangahulugan ng mas malaking kaltas para sa mandatory contribution gaya ng SSS at PhilHealth.

Ito ang dahilan kaya mahalaga umanong mapakinggan ang panig mga economic managers pagdating sa epekto nito sa paglago ng ekonomiya at isyu ng unemployment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *