National

Panukalang naglalayung palawigin ang termino ng barangay at SK officials, inihain sa Kamara

Pormal nang inihain ni Cagayan de Oro 2nd district Rep. Rufus Rodriguez ang panukala na naglalayong palawigin pa ang termino ng barangay and Sangguniang Kabataan (SK) officials.

Sa ilalim ng House Bill (HB) No. 7123, nais paabutin ng limang taon ang termino ng mga barangay officials mula sa tatlong taon.

Sakaling maging ganap na batas, aamyendahan ng panukala ang Section 43 ng Local Government code kung saan ang mga barangay at SK officials ay nagkakaroon ng tatlong taon at tatlong sunod-sunod na term limit.

Ayon kay Rodriguez, hindi sapat ang tatlong taon para masiguro na maipapatupad ng maayos ang mga programa sa mga barangay, lalo na’t hindi naman maipagkakaila na ang huling taon ng termino ay nagagamit para sa kampanya.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

22 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

22 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

22 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

23 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

23 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

23 hours ago