Panukalang pagtatalaga ng nutrition officer sa lahat ng probinsya sa bansa, isinulong ni 4th District Representative Atorni Mike Tan

Isinusulong ngayon ni 4th District Representative Atorni Mike Tan ang panukalang magtalaga ng Nutrition Officer sa lahat ng probinsya, siyudad, at munisipalidad sa bansa.

Ito ay sa ilalim ng House Bill No. 1105 kung saan bibigyang prayoridad ang kalusugan ng mga chikiting upang maiwasan ang malnutrisyon.

Kaugnay ito ng malaking porsyento ng naitalang chronic malnutrition sa mga batang 0-2 taong-gulang sa bansa ayon sa Food and Nutrition Research Institute (FNRI).

Samantala, nilalaman din ng panukalang batas na gawing mandatory ang appointment ng Nutrition Officer sa lahat ng probinsya sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *