‘Panuntunan para sa pagbabakuna sa mga nasa A4 priority group, pinaplantsa na’

Inaasahang magpupulong ang National Immunization Technical Advisory Group tungkol sa mga ipatutupad na panuntunan para sa pagsisimula ng pagbabakuna laban sa COVID-19 sa mga nasa A4 priority group.

Ngayong unang linggo ng Hunyo sisimulan ng gobyerno ang pagbabakuna sa mga nasa A4 priority group o mga essential workers kabilang ang mga kawani ng gobyerno, private sector workers,  at informal workers o self-employed. 

Una nang sinabi ng National Task Force Against COVID-19 na ang mga lokal na pamahalaan na ang bahalang tumukoy kung sinong nasa A4 category ang uunahin nilang bakunahan. 

Binigyan din ng kapangyarihan ang local government units (LGUs) na unahing bakunahan ang mga nasa A4 na nasa edad na 40 hanggang 59 atsaka isunod ang mas nakababatag edad 18 hanggang 39.

Di kasi sasapat sa ngayon ang mga bakunang natanggap ng Pilipinas para maiturok sa mga kabilang sa A4 priority group. 

Kaugnay nito, hinikayat naman ni presidential spokesperson Harry Roque ang mga kasama sa A4 priority group na magparegister sa kanilang LGUs via online at hintayin lamang ang notice bago magtungo sa vaccination centers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *