Panunumpa sa katungkulan ng lahat ng mga nanalo sa BSKE sa bayan ng Basud isasagawa na mamayang hapon

CAMARINES NORTE – Isasagawa na mamayang hapon ang Mass Oath taking ng mga nanalo sa nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Gagawin ito ala una ng hapon sa New Sports Complex sa naturang bayan.

Inaanyayahan bilang panauhin sina Governor  Ricarte “Dong” Padilla at Vice Governor Joseph Ascutia.

Una nang sinabi ng Department of the Interior and Local Government na maaaring manumpa sa katungkulan ang mga naiproklamang nanalo sa BSKE sa mga awtorisado ng batas depende sa kung kanino gustong manumpa ng nanalong kandidato.

Gayunman, mas mainam pa rin umano na dumalo sa mga ganitong mass oath taking dahil pagpapakita ito ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba- iba sa pulitika.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *