Paolo Hernandez, umalis na ng Mapua upang maging isang pro player

Opisyal nang inanunsyo ng manlalaro na si Paolo Hernandez na hindi na siya maglalaro sa ilalim ng Mapua University para sa NCAA Season 100.

Ito na sana ang huling taon niya sa unibersidad, bilang isang manlalaro at estudyante.

Ayon kay Mapua head coach Randy Alcantara, masaya siyang makakapagtapos na sa pag-aaral si Hernandez, kasabay ng pag-usbong niya sa larangan ng basketball bilang pro player.

Binigyang-diin ni Alcantara na wala siyang mabigat na nararamdaman hinggil sa desisyon ng mananalaro dahil nakapag paalam naman ito nang maayos at nakapg one-on-one na pag uusap na rin sila.

Dahil wala na si Hernandez, mas aasa na ang koponan kay Escamis bilang Team Captain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *