Paralisadong painter sa Tabaco City, hinangaan dahil sa malikhaing obra

LEGAZPI-Sa unang tingin pa lamang sa mga nagsisigandang obra, mapapahanga ka nga talaga dahil maliban sa paraan ng pagkakapainting, mapapahanga ka rin sa tibay ng konsepto ng bawat larawan.

At hindi mo aakalain na ang nasa likod nito ay isang lalaki na bagamat paralisado ang kamay, ay may tinatagong talento at galing.

Bagamat paralisado ang kanang kamay ng 40 anyos na si Michael Bufi Bristol ng San Ramon, Tabaco City sa Albay, hindi ito naging hadlang sa kanyang hilig sa paggawa ng obra.

2016 nang magka- hemorrhagic stroke si Michael, pero hindi ito naging hadlang para mapagpatuloy niya ang hilig sa pagpinta.

Dating arkitekto na nagtrabaho sa Saudi Arabia at Dubai si Bristol bago magkasakit.

Sa una nakaramdaman siya ng frustration ngunit nakita niya umano na may gusto ang Diyos na mangyari sa buhay niya.

Naging bahagi na rin kasi siya ng kupunan ng mangguguhit sa kanilang lugar sa Tabaco City noong nakaraang taon.

Ibinibenta rin nin Bristol ang kanyang paintings.

Mensahe ni Bristol sa kapwa niya stroke survivors, huwag mawalan ng pag-asa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *