Pares Overload ni Diwata – binigyan ng 2 buwang palugit para kumpletuhin ang business permit

Nilapitan na ni Deo Balbuena o kilala bilang si Diwata – isang negosyante sa sikat na Pares Overload si Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano para ayusin ang mga dokumento sa kanyang negosyong Pares Overload.

Ayon kay Michelle Talavera- Pardo, Officer-In-Charge ng Pasay City Business Permit and Licensing Office, binigyan ng dalawang buwang palugit si Diwata para kumpletuhin ang mga dokumento.

Sa oras na makumpleto na ito, hindi na aniya papaalisin sa puwesto si Diwata.

Una nang nilinaw ni Rubiano na hindi siya ang nagpasara sa paresan ni Diwata dahil nag-isyu lamang siya ng show-cause order para kumpletuhin nito ang kanyang business permit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *