Pari sa Pampanga na meron umanong secret affair sa babaeng may asawa, pinagbawalan nang mag misa

Hindi muna pwedeng magsagawa ng pagmimisa ang pari sa Pampanga na inaakusahang may secret affair sa isang babaeng may asawa.

Inalis na rin ito sa simbahan kung saan sya nagmimisa habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Archdiocese ng San Fernando.

Ayon kay Pampanga Archbishop Florentino Lavarias, maaari lang makibahagi sa pagmimisa ang naturang pari sa loob ng kanyang tahanan.

Maaalalang nitong Lunes, kumalat sa social media ang video na kuha sa loob ng simbahan kung saan inaasakusahan ng isang lalaki ang naturang pari na may nangyari sa kanila ng kanyang asawa.

Hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ng naturang pari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *