Parte ng public market ng Naga City nasunog!

NAGA CITY- Sumiklab  ang  isang sunog  mga pasado alas-11:35 Sabago ng gabi  Agosto 12, 2023 sa ikalawang palapag ng Naga City Peoples Mall partikular na sa may fish section harap sa Naga River.

Nagresponde ang Bureau of Fire Protection kasama ang mga fire volunteer na Chin Po Tong at Naga White.

Sunog ang ang anim na stalls, ayon sa ilang mga naroroon sa lugar posibleng sa karinderya o di kaya sa sari-sari store nagmula ang apoy.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Fire investigator SFO3 Arwin Yap, nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon pati mga electrical wirings tinitinggan din.

Samantala, sinabi pa ni Yap na regular naman ang kanilang inspection sa nasabing pampublikong merkado. 2008 nang masunog ang malaking bahagi ng NCPM dahil sa napabayaang kandila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *