Parte ng Roxas Boulevard, isasara sa publiko bilang paggunita sa Rizal Day

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pansamantala muna nilang isasara sa publiko ang parte ng Roxas Boulevard mula sa TM Kalaw papuntang P. Burgos sa Maynila.

Ito ay upang bigyang daan ang paggunita sa ika-127 na anibersaryo ng pagkamatay ng Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal.

Kaugnay nito, payo ng MMDA sa lahat ng mga truck na dadaan sa Northbound at Southbound na dumaan muna sa rerouted na daan ng SLEX, OsmeƱa Highway, Quirino Avenue, Nagtahan Street, Lacson Avenue, Yuseco Street, Capulong Street at R-10.

Samantala, hinimok din ng awtoridad ang mga motorista na gumamit muna ng alternatibong ruta upang maiwasan ang build-up ng traffic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *