Partido Federal ng Pilipinas at Lakas-CMD – nagsanib-puwersa na

Pormal nang naselyuhan ang alyansa sa pagitan ng Partido Federal ng Pilipinas at LAKAS-CMD, matapos ang isinagawang alliance signing kaninang umaga sa Manila Polo Club.

Sinaksihan ni Pangulong Bongbong Marcos ang alliance signing, kasama sina LAKAS-CMD President at House Speaker Martin Romualdez, gayundin si PFP President at South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr.

Sa pagsasanib-pwersa ng dalawang partido, magiging kabahagi nito ang 100 strong members ng Kamara mula sa LAKAS-CMD at ang mayorya ng mga local government officials mula sa PFP.

Bahagi ito ng kanilang paghahanda para sa 2025 national election.

Sa ambush interview kay House Speaker Martin Romualdez, sinabi nitong open for discussion kung makikipag alyansa rin sila sa Hugpong ng Pagbabago na partido naman ni Vice President Sara Duterte.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Marcos minamarkahan ng alliance signing ang significant moment para sa Philippine politics.

Hindi anya ito bagong simula ngunit pagpapatuloy lang ng kanilang pangako sa taumbayan na magserserbisyo tungo sa Bagong Pilipinas.

Binigyang diin ng Presidente ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pagsisilbi sa taumbayan, dahil kapag nagkakaisa anya ang mga nasa gobyerno, natutugunan agad ang pangangailangan ng publiko.

Samantala, present din ang Presidential son at Ilocos Norte 1st district representative Sandro Marcos, at ang dating Pangulo na ngayon ay Pampanga 3rd district representative Gloria Macapagal Arroyo.

Dinaluhan din ito ng mga senador at kongresista na nasa ilalim ng mga nasabing partido.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *