“Partners” nagpapadala ng mga armas sa Ukraine ayon kay President Zelensky

Inanunsyo ni Ukranian President Volodymyr Zelensky na nagpapadala ang mga partners nito ng mga armas sa kanilang bansa.

Ito ay upang tulungan ang Ukraine na labanan ang Russian troops na umaatake sa kanilang bansa.

Inihayag rin ni Zelensky na nakausap niya sa telepono si French leader Emmanuel Macron.

Ayon kay Zelensky, ang pag-uusap nila ni Macron ay isang panibagong simula sa diplomatic frontline.

Iginiit rin ni Zelensky na ang pagpapadala ng mga armas at equipment ng mga partners ng kanilang bansa ay senyales na gumagana ang anti-war coalition.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *