Pasahe sa jeep – pinangangambaang sisipa sa P50 dahil sa PUVMP

Posibleng umabot ng P50 ang pamasahe sa jeep kung mapapalitan na ang traditional jeepney ng makabagong PUVs na isinusulong ng gobyerno, ayon sa isang grupo ng commuters.

Ayon kay Commuters of the Philippines chairperson Julius Dalay, malaki ang epekto sa pamasahe ng PUV modernization lalo na’t malaki ang magiging amortization para mabili ang mga makabagong jeepney.

Dagdag pa ni Dalay, maaaring lumipat ng trabaho ang ilang mga empleyado kung magiging mahal ang pamasahe sa jeep.

Ang ilan naman ay maaaring magbisikleta na lang o kaya’y maghanap ng trabaho na work-from-home.

Una nang tinanggihan ng gobyerno ang panawagan ng ilang transport group na iatras ang consolidation ng mga prangkisa sa itinakdang deadline noong December 31, 2023.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang pasada ng mga jeepney, kahit na iyong mga hindi nakapag-consolidate, matapos ang consolidation deadline sa mga PUV.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *