Pasahero ng barko, tumalon sa dagat

Nagpapatuloy ang search and rescue operations sa isang 29-anyos na lalaki na tumalon sa dagat sa bisinidad ng San Miguel Island, Monreal, Masbate.

Sa panayam ng Brigada News Sa PCG-Masbate, sinabi nito na ‘negative result’ ang paghahanap nila sa biktima at nagpapatuloy ang search and rescue (SAR).

Ayon sa inisyal na ulat, lulan umano ang biktima at ang kanyang kalive-in partner sa Sta Clara Shipping Lines mula Masbate City at papuntang Pio Duran Port.

Dakong alas 4:26 ng hapon noong Nob. 1 nang biglang tumalon ang biktima sa dagat.

Ayon sa kinakasama nito, ‘family problem’ umano ang dahilan.

Agad na nakipag-coordinate ang PCG sa Monreal MPS at MDRRMO para maglunsad ng SAR operations.

Sa pahayag naman sa Brigada News ng Monreal DRRMO, bigo silang mahanap ang biktima sa karagatan na sakop ng San Miguel kahapon, Nobyembre 2  dahil sa low visibility dahil mag-gagabi kung kaya’t bumalik sila na naging negatibo ang resulta ng kanilang SAR.

Ang SAR ay binubuo ng Monreal MDRRMO, Monreal PNP, BFP R5, Monreal Fire Station at PCG.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *