Pasilidad para sa pagproseso ng seaweed, planong itayo sa lungsod ng Sorsogon

Naghain ng Resolusyon ang Sorsogon City LGU sa Sangguniang Panlungsod ng Sorsogon, upang humingi ng pahintulot na pumasok sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at National Fisheries Research and Development Institute, (NFRDI) para sa pagpapatayo ng Village Level Agar Processing Facility (VLAPF)

Layunin ng nasabing processing facility na magproseso ng agar, isang uri ng gelatin na galing sa mga seaweed. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng agar processing facility, magkakaroon ng dagdag kita at mapabuting pamumuhay ang mga residente ng lungsod

Bukod dito, layon din ng proyekto na magbigay trabaho, mapalawak ang industrya ng agar, at palakasin ang ekonomiya ng lungsod dahil ang agar ay ginagamit sa iba’t ibang idustriya tulad ng pagkain, kosmetiko at laboratoryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *